Noong isinulat ko 'yong titulong
Sampung Bagay na Nagpapasaya sa Akin sa espasyo, tumawa ako. Tumawa ako dahil dalawang kahulugan ang pumasok sa aking isipan dahil sa titulo na iyan! Oo puwedeng ibigsabihin nito ang simple ngunit ang mas mahalaga, na nangangahulugang tungkol ang blog na ito sa mga nagpapangiti o totoong nagpapagiliw sa akin. Tungkol naman sa pagpapasaya na sa maduming interpretasyon ang isa pang kahulugan (at aamininin ko, ang kahulugan na iyon ang pumasok agad sa aking isipan pagkasulat ng titulo). Hindi ko ito sinasadya! Nagkataon lang na madalas ginagamit ang salitang nagpapasaya sa ganoong paraan sa mga usap-usapan ngayon
(
At least with my friends :p ) Marahil na naisip mo rin iyon tungkol sa blog ko na ito mambabasa! Pero huminto ka na para hindi ka magkaroon ng sala. Pipigilan ko na ang pag-isip mo ng madumi-assuming much??? Kung hindi man yun ang unang naisip mo, patawad at sinayang ko oras mo dahil sa mahabang introduksyon na ito at sa natural na malibog na pag-iisip. Kaya ito na, ililista ko na ang mga bagay na nagpapasaya at nagpapangiti sa akin! Pipilitin kong maging espispiko sa aking listahan. (Sinama ko na sana ang kumain sa listahan dahil iyon ang numero uno na pinakahilig kong gawin pero iyon nga, kailangan maging espisipiko ako).
These maybe in random order because for me, what makes you smile, makes you smile at mahahalaga ang lahat ng iyon. Hindi nasusukat o naititimbang ang pag-ngiti sa aking opinyon...lalo na't maraming bagay talaga ang nagpapasaya sakin dahil mababaw ang aking kaligayahan. Kaya iyon, ito lamang ang mga bagay na lumilitaw sa aking daloy ng pag-iisip ngayon :)
1.
Lumangoy sa Dagat-Makapagsasaya sakin ang makapunta sa dagat at lumangoy doon dahil madalas ko tong nagagawa noong bata ako. Uso kasi sa angkan namin ang pumunta sa mga mabuhangin na lugar noon at magdiwang sa tabi ng dagat! Paborito ko parin ang mga ganitong lugar kung saan makikita ang dumadaloy na tubig, kahit na apat na taon na ang nakalipas noong huling punta ko sa ganito. Sa Zambales ang pinakapaborito kong lugar kung saan nagustuhan ko talaga ung dagat at buhangin doon. Ito rin ang paborito ko dahil nakalaro ako ng
beach volleyball! Pagnakakikita ako ng mga litrato ng dagat (tulad ng mga litratong hatid WOW Philippines na iba na ata ang tawag ngayon), bumabalik sa akin ang mga ala-alang nagpapakasaya noong paslit pa lamang ako.
|
A View of Zambales |
2.Pawisan sa pamamagitan ng Sports at Gym-Ibang klase ang ginahawa nararamdaman ko pagkatapos ko maglaro ng Volleyball o Badminton. Nasisiyahan ako lalo na kapag dumadating sa punto na may lumalabas na usok sa katawan ko (I'm hot like that! joke =)) ). At sa pagpapalaki ng katawan, gusto ko siya kasi wala akong ibang iniintindi kundi sarali ko.
3.
Keso-Mahilig ako sa keso! Sa tuwing kumakain ako ng keso (sa kahit anong klaseng luto, porma atbp.), natutuwa ako! Kahit iyong Eden na nakatago sa ref. pinapapak ko! Oo ako na ang daga pero pota, mahal na mahal ko ang keso!!!!
Four cheese pizza, kraft chiswiz, cheesecakes, parmisan, keso de bola, putong may keso,
you just name it!!! Kung gusto mong mahalin kita, regaluhan mo ko ng keso at mapapa-ibig mo ko.
|
Cheeseeeeeeeeeey |
4.
Mga Aso Ko-Mahal na mahal ko mga aso ko dahil ang babait nila sa akin. Ang mga aso ko ang sumasalba sa akin kapag may mga kaguluhan sa aming bahay. Ang simple lang ng buhay nila ngunit sobrang saya nila sa tuwing pinapalabas mo sila sa kanilang kulungan. Lalo pa silang natutuwa kapag nakikipaglaro ka sa kanila. Napakasarap nilang yakapin. Hindi nila alam na napapasaya nila ako ngunit alam na alam ko na napakalaking bagay sa kanila ang palabasin sila ng sandali upang magpakasaya kasama ang kaniyang amo. Yoon siguro ang mas mahalaga sa dalawa. HAHAHA ang drama =))
|
My doggy! Paris :) |
5.
Photoshoots-Dahil may pangarap ako maging Photographer, talagang natutuwa ako tuwing may
photoshoot. Kaya rin ko siyang ginagawa ng libre. Tuwing may
photoshoot kase, may bago akong natutunan. Kumbaga, nagiging mahalagang ensayo siya.
To really learn how to fight in a battle, it's a must for you to be in the battle. (Email me if you want a Photoshoot! chuck_tibayan@yahoo.com)
|
Pat Remoquillo BS MGT : |
6
. Goldilock's Polvoron-Sobrang sarap ng Polvoron ng Goldilocks! Ito ang paborito kong Polvoron sa dami-dami na natikman ko. Halos lahat kasi ng Polvoron na nakikita ko, sinusubukan ko. Hindi ko na nararamdaman ang aking mga problema tuwing nakakain ako nito. Grabe lang kasi talaga ang sarap diba. Anong masasabi mo?
7.
Mga Pinoy na Pelikula-Ibang klaseng kilig ang aking nararamdaman tuwing nanonood ako ng mga pelikula na umiikot sa pag-ibig ng mga iba't ibang tambalan ng artista. Lalo na't kapag si John Loyd ang bumibida dahil napakagaling niya. Kaya kong lumuhod sa harapan niya.
May I just say, kakatext lang sa akin noong isang araw ng aking matalik na kaibigan na kaka-upload lang ni Wingtip ng My Amnesia Girl sa www.
That text made my day-and this line is an understatement. Lumuluha naman ako tuwing nakapapanood ako ng madramang pelikula tulad ng Ina, Mano Po, Caregiver atbp. Ramdam na ramdam ko ang mga ganito kaysa sa mga Ingles (pero nanonood din ako ng mga banyagang pelikula ah!) na sine siguro dahil nga't mas nakikita ko sarili ko sa sitwasyon na ipinamamahagi ng ganitong mga pelikula. Hindi ako jologs at hindi rin jologs ang manood ng mga ganito (basta't piliin mabuti kong ano ang papanuorin!)
|
THE BEST |
8.
NTM-Fan ako ng mga
Next Top Model Franchise lalo na't nakakatulong ito para sa pagkakaroon ng inspirasyon sa mga
photoshoot! Bilang Photographer kailangan marami rin akong alam sa iba't ibang temang maaring gayahin o baguhin. Kaya't kapag nakakakita ako ng kahit anong NTM sa tv, pinapanood ko ito!
|
Alice from AusNTM |
9.
Pagkanta at Pagsayaw Habang Naliligo sa Banyo-Madalas kong dala-dala ang speakers namin at ang aking ipod tuwing maliligo ako sa banyo. Bakit? Sobrang saya kasing bumirit at sumayaw habang nasa
shower (Lalo na't kapag pinapatalsik mo yung tubig kung saan-saan sa banyo!). Iyon ang oras ko sa sarili ko na wala akong paki kung ano ang ginagawa ko dahil wala namang nakakakita. Iyon din ang dahilan kung bakit umaabot ako ng mahigit sa kalahating oras habang naliligo. Ang ganitong karanasan ay isang
double-edge sword. Bumango ka na nga, nagpaka-
wild ka pa!
|
And yes I am this wild in the shower |
10.
Magluto-Trip na trip kong magluto dahil sa tingin ko, isa siyang klase ng serbisyo na maaring magpangiti ng ibang tao (
Coming from someone who loves to eat, I'm pretty sure this statement is true). Kaya iyon, madalas akong nangangaelam sa aming kusinero. Kasama rin dito na madalas akong magkalat sa kusina! Hahaha! Naniniwala naman ako na may kakayahan ako sa pagluto. Kaya ako nanonood ng Iron Chef, Masterchef US at iba't ibang
cooking show, para matuto ako at magutom =)) Cooking in my opinion is not a burden for me. It makes me happy to satisfy others by serving them dishes. Gusto mo ba ng
breakfast in bed? :p
|
Whitney, recent winner of MasterChef US :) CUTE NIYA!!!! |
sana pala keso na lang christmas gift ko sa'yo... mas mura pa. HAHAHA! kuripot talaga eh
ReplyDeleteSa bday ko :> :> :> ung distinct na cheese. hindi cake. sawa na ako dun :))
ReplyDeleteSo ano nangyari sa 9? :|
ReplyDeleteTama ba naiisip ko? :))
hahaha sira. nagkapalit ung 8 at 9. fail =))
ReplyDelete